OFWs pinakalma sa crackdown sa Malaysia

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz ang mga manggagawang Pinoy sa Malaysia na huwag mangamba sa ginagawang pagtugis ng Malaysian authorities sa mga undocumented foreign nationals.

Paliwanag ng kalihim, maaaring dumaan sa voluntary exit proceedings ang mga undocumented Pinoy wokers sa Malaysia at Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Mahigpit din ang paalala ni Baldoz sa OFW sa Malaysia na laging dalhin o ihanda ang kanilang work permits o pasaporte na may valid visa upang kanilang maiprisinta sa sandaling inspeksyunin ng immigration.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Malaysia, ang mga boluntaryo umanong aalis roon ay hindi na kakasuhan subalit kailangan magbayad ng multa dahil sa pag-over stay roon. Ang mga maaaresto ay dadaan umano sa deportation proceedings at pansamantalang idedetine. Kasama sa mga foreign nationals na apek­tado ng crackdown ay mula sa Indonesia, Thailand, Cambodia, Myanmar, Nepal, Laos, Vietnam, Pakistan, Sri Lanka, Uzbekistan, Kazakhstan, India, Bangladesh at Pilipinas.

 

Show comments