MANILA, Philippines - Pinaghahandaan na ngayon ng Comelec ang muling pagpapatuloy ng pagtatala ng mga overseas Filipino voters sa Mayo para sa susunod na halalan sa bansa.
Ayon kay Comelec Commissioner Al Parreno, ang voters registration para sa mga OFWs ay sisimulan nilang muli sa Mayo 6, 2014.
Sinabi naman ni Comelec spokesman James Jimenez na sini-mulan na nilang ihanda ang gagawing pagre-rehistro.
Hinimok din ng mga Comelec officials ang mga OFWs na samantalahin ang pagkakataon at magparehistro upang makaboto sa susunod na halalan sa bansa.