MANILA, Philippines - Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang panibagong low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility.
Ayon kay Samuel Duran, weather forecaster ng Pagasa, bagamat malayo pa sa kalupaan ng bansa ang nasabing weather system, kailangan itong paghandaan ng mamamayan dahil malaki ang tsansa na ito ay maging bagyo sa mga susunod na araw.
Sakali aniyang maÂging ganap itong bagyo at pumasok sa PAR, ito ay tatawaging Basyang.
Kaugnay nito, sinabi ni Duran na asahan pa rin ang mga paminsan minsang pag-uulan sa bansa partikular sa Luzon at eastern Visayas dahil sa epekto ng northeast monsoon o hanging amihan.