Enero 23 dapat gawing national holiday - Chief Justice Sereno

MANILA, Philippines – Naniniwala si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat gawing national holiday ang Enero 23 kung saan ginugunita ang First Philippine Republic Day.

 Sinabi ni Sereno sa kanyang talumpati na dapat ay gunitain ang Enero 23 katulad nang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12.

Itinatag noong Enero 23, 1899 ang kauna-unahang republika ng bansa o ang Malolos Republic kung saan kinilala si General Emilio Aguinaldo bilang kauna-unahang Pangulo ng bansa.

Ikinalungkot ni Sereno ang hindi pagbibigay ng importansya sa naturang araw na pahirapan bago nakamit ng mga Pilipino.

"This is the day when democracy was totally attained. One democracy with own government and Constitution. Due to this, we are recognized as citizens of the Republic of the Philippines," banggit ni Natividad.

Sina Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at Malolos City Mayor Christian Natividad ang nagsusulong na gawing national holiday ang Enero 23.

 

Show comments