NBI clearance online na!

MANILA, Philippines - Hindi na kailangang pumila pa upang makakuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil magagawa na ito online simula sa Biyernes.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na maaaring mag fill-out ng form sa www.doj.gov.ph/nbi o www.nbi.gov.ph.

"With the implementation of the new NBI system, we shall continue to roll out and implement solutions to progressively eliminate queues and simplify processes,"pahayag ni De Lima ngayong Huwebes.

"Online application is the next logical step for the switch," dagdag ng kalihim.

Nais ng NBI na mawakasan ang kalbaryo sa pagkuha ng NBI clearance lalo na ang pagpila ng ilang oras para makakuha nito.

Pero nanghingi ng paunawa si NBI Director Virgilio Mendez sa publiko para sa bagong sistema na maaaring magkaroon ng mga problema.

"This is just our third full week of operation under our watch but we expect significant progress in the coming weeks with the delivery of additional equipment and increase in personnel," banggit ni Mendez.

Matapos ang pagpuno sa application form ay maaaring dumiretso na ang isang aplikante sa 55 NBI sites sa buong bansa para sa pagbabayad at biometric enrollment bago ilabas ang clearance.

Show comments