^

Bansa

Rep. Marcos dinalaw si CGMA

Gemma Garcia, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binisita na rin ni Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Mrs. Marcos na si Arroyo ay hindi pa naman napapatunayan sa kanyang kaso kayat sana ay payagan na ng pamahalaang Aquino na makapagpiyansa ito. Mas mainam anya na mailabas na sa pagamutan si Arroyo dahil sa kanyang kondisyon.

Sinariwa pa ni Mrs. Marcos noong panahon ng kanyang asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos na pinayagan nito ang apela ni dating Senador Benigno Aquino na makapunta ng US upang doon makapagpagamot kahit ito ay napatunayan na nagkasala sa kasong sedition.

Nagbigay ng dalawang dosenang bulaklak ang kongresista at wine kay Arroyo.

Nauna na rin bumisita sa dating Pangulo sina retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, dating president at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada, dating pangulong President Fidel V. Ramos, dating Vice President Noli de Castro at Jesus is Lord Movement (JIL) leader Bro. Eddie Villanueva.

DATING

EDDIE VILLANUEVA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ILOCOS NORTE REP

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

LORD MOVEMENT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MRS. MARCOS

PAMPANGA REP

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with