MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkondena at babala ng Pilipinas, magpapadala na ang China ng kanilang malalaking civilian patrol ships sa pinag-aagawang teritoryo na layuning tuluyang kontrolin at sakupin ang South China Sea o West Philippine Sea (WPS).
Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA) na lumabas sa mga Chinese news, sisimulan na ng China ang kanilang regular na pagpapatrulya sa Woody island na tinawag ng China na Sansha city sa Paracel islands na sakop naman ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon sa ulat, patata-tagin ng China ang kanilang regular patrol system sa Sansha City upang protektahan umano ang maritime interest ng kanilang bansa.
Ipagpapatuloy din umano ng China ang kanilang pagtatayo ng mga imprastraktura sa nasa-bing isla na una na ring kinondena ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest.
Iginigiit ng China na sa kanila ang buong South China Sea at ipinatutupad na nila simula Enero 1, 2014 na ang lahat ng mga sasakyang pandagat na daraan sa kanilang karagatan ay kailangan humingi ng permiso sa kanila bago pumasok.