MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Moro National Libe-ration Front (MNLF) sa nakaambang pagsiklab muli ng giyera sa Min-danao kapag naisapinal na ang peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Malaysia.
Ayon kay Absalom Cerveza, ito ang nakikita ng MNLF dahil mayorya sa MILF fighters ay hindi umano pabor sa isinasagawang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng kanilang mga pinuno.
Ang MILF ay ang breakaway group ng MNLF na kumalas sa grupo ni Nur Misuari matapos ang pinal na peace pact ng gobyerno at ng huli noong 1996.
Sinabi ni Cerveza na mas malaking puwersa ng MILF ang hindi basta na lamang susuko sa gob-yerno para magsipagbaba ng armas na siyang nasasaad kapag nilagdaan ang ‘normalization annex’ ng Framework Agreement ng Bangsamoro (FAB) sa Malaysia.
Ibinabala nito ang pagpapalakas pa ng puwersa at paglulunsad ng panibagong giyera laban sa gob-yerno ng MILF na pabor sa MNLF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ni Ustadz Ameril Umbra Kato na kumalas sa MILF noong 2011.