Pangangalaga sa karapatang pantao, palpak - grupo

MANILA, Philippines - Umabot na sa 26 ang bilang ng mga nasasawing mamamahayag mula nang umupo sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa Human Rights Watch (HRW).

Mula sa naturang bilang ay 12 dito ay namatay nitong nakaraang taon at  sa kabuuan ay anim na kaso lamang ang may nadakip na suspek.

“The body count of Filipino journalists speaks volumes for the wide gap between the Aquino government’s rhetoric in addressing rights problems and the reality on the ground,” pahayag ni Phelim Kine, deputy Asia director ng Human Rights Watch.

Kabilang sa mga hindi pa nareresolbang kaso ang pagkakapatay sa komentarista at environmentalist Gerry Ortega na itinunba noong Enero 24, 2011.

Halos 10 taon na naman ang binibilang sa pag-abot ng hustisya sa pagpaslang kay Rowell Endrinal noong Pebrero 11, 2004.

Bukod sa pamamaslang, kinuwestiyon din ng grupo ang binuong "superbody" ng gobyerno noong 2012 na tututok sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa extrajudicial killings.

“The Aquino administration has said all the right things about ending abuses in the Philippines, but what’s missing is the political will to translate those promises into action,” sabi ni Kine. 

Show comments