MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Israeli government ang Pinay X-Factor Israel winner na magtrabaho bilang singer kasunod ng kanyang kahilingang mabigyan ng visa bilang isang artist o entertainer sa nasabing bansa.
Ang 47-anyos Pinay caregiver na si Rose “Osang†Fontanes ay binigyan umano ng opsyon ng Israeli Interior Ministry upang mamili kung caregiver, singer o parehong karera pero may limitadong oras lamang.
Sa statement ni Israeli Interior Minister Gideon Saar, nagdesisyon umano siyang bigyan ng permiso si Fostanes na magtrabaho bilang artist.
Iniutos ni Saar sa Population and Immigration autho- rity na payagan si Fostanes na magtrabaho bilang singer sa Israel, ayon na rin sa kahilingan ng nasabing OFW kasunod ang pagkapanalo sa X-Factor Israel sa rendisyon nito ng kantang “My Way†ni Frank Sinatra.
Si Fostanes ay unang sinabihan ng Israel Immigra- tion na hindi siya puwedeng magtrabaho bilang singer dahil sa hawak na visa bilang isang caregiver.
Sinabi naman ni Fostanes na ang mismong amo na rin niya ang naghimok sa kanya na mas piliin nitong maging isang artist o singer kaysa manatili bilang tagapag-alaga nito dahil na rin sa magandang oportunidad na naghihin- tay sa kanya sa bagong karera.
Nabatid na kung ang pipiliin ni Fostanes ay ang parehong caregiver at singer, bibigyan lamang umano siya ng Isareli government ng 10 oras kada linggo para sa pagkanta nito. Bunsod nito, mas pinili ni Fostanes na maging buong singer.