MANILA, Philippines - Nagbabala ang consumer group sa ginagawang aksyon ng mga awtoridad na humahabol sa tunay na mga rice smugglers sa bansa dahil naghahatid ito sa mga lehitimong negosyanteng Fil-Chi nese sa extortion, panlilibak at atake.
Sa ipinalabas na pahayag ni Coali- tion of Filipino Consumers Secretary General Perfecto Jaime Tagalog, binig- yang-diin nito ang pangangailangan ng mga ahensya ng gobyerno na ungkatin ang sitwasyon dahil ang kalagayan ng supply ng pangunahing pagkain ng mga Filipino ang nakasalalay. “We urge the National Bureau of Investigation (NBI) and the Department of Justice (DoJ) in particular to take no witch-hunts or shortcuts since settling for any suspect for the sake of show will only leave the pernicious acts of smuggling of rice in the country unabated,†ayon pa sa opisyal. Idinagdag pa ng grupo na kailangang masusi ang gagawing imbestigasyon ng gobyerno at pigilan ang ‘premature media attacks’ na nagsasadlak sa mga lehitimong mga Filipino Chinese busi- nessmen na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng common surname na nagagamit sa kahihiyan at ang malala ay humahantong sa extortion o pangingikil. “Likewise, families of some of the namesakes are already and inadver- tently put to ridicule,†sabi pa nito. Matatandaang sinimulan ng Depart- ment of Justice ang imbestigasyon laban sa umano’y smuggling king na si David Tan na kalaunan ay sinasabing si David Bangayan. Ilan ding Chinese names ang nadamay sa nasabing kontrobersiya.