MANILA, Philippines - Humina na ang bagÂyong ‘Agaton’ at ito ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA).
Binawi na kahapon ng PAGASA ang lahat ng storm warning signals sa alinmang bahagi ng bansa partikular sa Visayas at Mindanao.
Alas-11:00 ng umaga kahapon, si “Agaton†na isa na lamang LPA ay namataan sa layong 400 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Davao City o 455 kilometro sa silangan ng General Santos City.
Bagamat isa na lamang LPA ay patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar dahil magdadala pa rin ng mga pag-ulan ang naturang weather system sa Northern Mindanao, Caraga at Davao Region.
Patuloy ding pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan.
Si ‘Agaton’ ay kumitil ng 40 buhay, 6 ang nawaÂwala at nakasugat sa 65 na indibidwal dulot ng mga pag-ulan na ibinagsak nito.