MANILA, Philippines – Dismayado si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa aniya’y kapalpakan ni Justice Secretary Leila de Lima na mapanagot ang negosyante at itinuturong rice smuggling king David Bangayan.
Sinabi ni Duterte na puro publicity lamang ang nais ni De Lima matapos ihayag na iisang tao lamang si Bangayan at ang “David Tan†ngunit hindi naman nakasuhan.
"You failed to build a case because all you wanted was publicity ... Ganun kayo kahina," pahayag ni Duterte nitong Linggo sa state-run television show na Gikan sa Masa Para sa Masa.
"Why, you just opened your mouth for publicity, I’m telling you to stop talking and start working, you walk your talk and talk your walk," dagdag niya.
Nitong nakaraang Linggo ay nakipagkita si Bangayan kay De Lima upang itanggi na siya ang nagpapatakbo ng bilyung-bilyong rice smuggling sa Pilipinas.
Kaugnay na balita: Umano'y 'David Tan' nakipagkita kay De Lima
Pinayuhan ng kalihim ang negosyante na tumungo ng National Bureau of Investigation upang pormal na maitanggi ang akusasyon sa kanya.
Kaugnay na balita: 'David Tan' dinakip ng NBI
Dinakip si Bangayan ng NBI dahil sa arrest warrant laban sa kanya na inilabas ng Caloocan Regional Trial Court para sa kasong electricity pilferage, ngunit kalauna’y pinalaya rin dahil sa hindi mapatunayang siya ang David Tan.
Kaugnay na balita: 'David Tan' pansamantalang laya - De Lima
Dahil dito ay lalong kumulo ang dugo ni Duterte sa NBI at kay De Lima.
“It doesn’t matter what or how many names he is using. What is important is you establish the person's identity, his persona, and build a case around him. They have the same address, the same company names, they even have the same lawyers and yet, they’re not the same?," sabi ng alkalde.
"Even the petitioner Joseph Ngo could be made to appear in court to confirm his (David Tan) existence. I’ve already told [De Lima] about this but you still insist. Now, I see malice on De Lima’s statement," dagdag ni Duterte.
Kinuwestiyon din ni Duterte kung may ginagawa ba ang Department of Justice upang mawakasan ang pagkalugi ng bansa dahil sa rice smuggling.
"What has the DOJ (Department of Justice) done so far to protect the interest of the national government? The government is losing 1.3 trillion pesos in three years because of smuggling at wala kayong ginawa, mahiya naman kayo."
Nauna nang inihayag ni Duterte ang kanyang pakikiisa sa mga naluluging magsasaka at nagbantang papatayin ang mga nasa likod ng rice smuggling.
Binanatan din ng alkalde ang Commission on Human Rights matapos siyang pagsabihan sa kanyang pagbabanta.
Kaugnay na balita: Duterte sa CHR: 'Shut up!'
"Ano'ng unethical? Talagang gagawin ko! Can you point out to me [what] law [says] that I cannot threaten criminals? Shut up!" mensahe ni Duterte sa CHR.
"Alam mo sa totoo lang, kung walang Pilipino na papatay sa taong bayan, sa mga farmers, at takot mamatay, walang mangyayari sa bayan na ito ... We have to defend the Filipino farmer."