MANILA, Philippines - Tinitiyak ng Department of Health na magiÂging ligtas sa kamandag ng aso ang Pilipinas.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center ng DOH, sa loob ng susunod na dalawang taon ay plano nilang gawing rabies-free ang bansa at burahin ang rabies bilang banta sa kalusugan ng mga mamamayan.
Nakikipag-ugnayan na umano ang DOH sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) para sa vaccination program.
Sabi ni Dr. Tayag, 10 milyong aso na karaniwang nagtataglay ng rabies ang kanilang babakunahan.
Ayon sa DOH, ang rabies ay viral neuro-invasive disease na nagdudulot ng pamamaga sa utak ng taong nakagat ng hayop na may rabies gaya ng aso.
Ang mga sintomas ng rabies ay pananakit ng ulo, lagnat, acute pain, pagiging bayolente, hindi makontrol na excitement, depression at kawalan ng kakayahang makalunok ng tubig.
Hinihikayat ng DOH ang mga nakagat ng hayop na agad magpatingin sa doktor at magpabakuna ng anti-rabies.
Iginiit ni Dr. Tayag na hindi dapat binabalewala ang kagat ng aso.