MANILA, Philippines - Welcome sa Malacañang ang kahandaan ng China na makipag-dayalogo upang pag-usapan ang fishing rules sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Pero nilinaw agad ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na ang Pilipinas ang unang nagpahayag na dapat magkaroon ng paglilinaw sa fishery rules.
“Certainly maganda mag-dialogue. Tayo ang nauna….we asked them, we wanted to seek clarification,†sabi ni Lacierda.
Sinabi ni Lacierda na ang ipinupunto ng Pilipinas ay ang international waters at exclusive economic zone.
Napaulat na sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei na ipagtatanggol ng China ang sovereignty nito, pero handa ring siyang makipag-usap tungkol sa isyu.