MANILA, Philippines - Sa loob ng mahabang dekada, nananatili pa ring nangunguna ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa hanay ng mga armadong grupo na banta sa pambansang seguridad.
Ito ang inihayag kahapon ni AFP Spokesman Major Gen. Domingo Tutaan Jr., matapos ang isinagawang command conference sa Camp Aguinaldo kaugnay ng pangkalahatang assessment ng mga military commanders sa Internal Security Operations (ISO) sa huling bahagi ng 2013 hanggang sa kasalukuyan.
Bukod sa NPA rebels, banta rin sa seguridad ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pa.
Ayon kay Tutaan, tinatayang mas mababa na sa 4,000 ang bilang ng NPA mula sa dating puwersa nitong umaabot sa 25,000 noong dekada ’80.
Sinabi ng opisyal na nabigo ang mga rebeldeng NPA sa 5-year central plan nito na mapalakas pa ang kanilang mass base sa 16 lalawigan na napanumbalik na sa normal ng tropa ng militar ang sitwasyon ng peace and order.
Sa kasalukuyan ay 43 lalawigan na pinaÂkahuli ang Pampanga, ang nalipol at napahina na ang puwersa ng NPA rebels mula sa 64 mga probinsiya na itinutuÂring na balwarte ng NPA rebels.
Nasa 168 namang miyembro ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) na namayagpag rin noong dekada ’80 na dating pinamumunuan ng paÂring naging rebelde na si Fr. Conrado Balweg ang na-integrate na sa AFP.
Nakapagsurender rin ang mga ito ng 403 armas sa ilalim ng livelihood assistance project o Pamana ng pamahalaan.