^

Bansa

RH Law sinisi sa paglala ng pornography

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinisi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Public Affairs chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa Reproductive Health Law ang laganap na pornograpiya sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi malalabanan ng pamahalaan ang internet pornography hanggat hindi itinuturo ang kasagraduhan ng sex.

Inihayag ng Obispo na hindi mawawala ang kultura ng addiction sa pornography hanggat lantaran ang pagsusulong ng pamahalaan sa condom, contraceptives at pagpupumilit sa implementasyon ng RH Law.

Ipinagtataka ng Obis­­po sa sinasabi ng pamahalaan na mahigpit nilang nilalabanan ang child pornography gayong ito mismo ang nagpo-promote ng condom at kultura ng sex sa bansa.

Natitiyak naman ng Obispo na kahirapan ang pangunahing dahilan sa paglaganap ng internet pornography kung saan mga menor-de-edad ang kasangkot.

Ayon sa Obispo, ma­ka­katulong sana sa kampanya sa pagbuwag ng mga cyber sex syndicate kung may ma-prosecute ang pamahalaan na nasa likod ng masamang gawain.

vuukle comment

AYON

BISHOP BRODERICK PABILLO

BISHOP PABILLO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES EPISCOPAL COMMISSION

INIHAYAG

IPINAGTATAKA

ISINISI

PUBLIC AFFAIRS

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with