^

Bansa

Denmark maglalagay ng Embahada sa Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ng pamahalaan ng Denmark ang plano ng muling pagbubukas ng Danish Embassy sa Pilipinas sa Agosto kasunod ng pag-aalis ng kanilang operasyon noong 2002.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magbubukas ng tatlong iba pang Embahada ang Denmark bilang bahagi ng mas malawak na “restructuring program” ng Danish Foreign Service.

Ang mensahe ng Danish government ay ipinarating ni Ambassador Nicolai Ruge, Denmark non-resident ambassador to the Philippines na nakabase sa Kuala Lumpur kay DFA Assistant Secretary for European Affairs Maria Zeneida Angara Collinson.

“The re-opening of the Danish Embassy provides recognition of the vast potential for bilateral cooperation in many fields between the Philippines and Denmark,” ayon sa DFA.

Naitatag noong 1946, nananatiling matatag ang Phl-Denmark bilateral relations lalo na pagdating sa maritime sector.

Sa tala, may 5,000 tripulanteng Pinoy ang nakabase sa Denmark na nagtatrabaho sa mga barko na ino-operate ng Danish shipping companies.

May 10,500 Pinoy pa sa Denmark na karamihan sa kanila ay mga nagtatrabaho bilang au pairs o nasa service industry.

Pagdating sa kalakalan, nakapag-rehistro ng may US$107 milyon sa bilateral trade ng bansa at Denmark noong 2012.

AGOSTO

AMBASSADOR NICOLAI RUGE

ASSISTANT SECRETARY

DANISH EMBASSY

DANISH FOREIGN SERVICE

DENMARK

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EUROPEAN AFFAIRS MARIA ZENEIDA ANGARA COLLINSON

KUALA LUMPUR

PHILIPPINES AND DENMARK

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with