Gobyerno kasabwat ng rice smugglers - CBCP

MANILA, Philippines - Naniniwala ang Ca­tholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) na magkasabwat ang ilang tiwaling opisyal ng gobyerno at rice smugglers sa bansa.

Hinala ni CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace chair at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, hindi makalulusot ang tone-toneladang smuggled na bigas kung wala itong koneksyon sa loob.

Nakapagtataka an­yang nakalulusot at hindi nasasabat ang mga bigas lalo’t hindi naman ito tulad ng ilegal na droga na hindi kapansin-pansin.

Aniya, ito ang dapat na tutukan ng pamahalaan upang matapos ang katiwalian sa bansa. Hangga’t hindi natatapos ito ay hindi uusad ang bansa.

Pinaka-apektado anya sa smuggling ang mga magsasaka dahil nagiging mura ang bentahan ng palay dulot ng bumabahang suplay ng ipinuslit na bigas.

Hinimok ni Pabillo na paigtingin pa ang pag­lansag sa rice smugglers sa bansa na lumala umano ngayong administrasyon kumpara noong nakaraan.

Show comments