Bidding sa MCIA gawing transparent
MANILA, Philippines - Nanawagan si Citizen Battle Against Corruption partylist Rep. Sherwin Tugna sa Department of Transportation and Communication (DOTC) na siguruhing tama ang proseso sa bidding ng Mactan Cebu International Airport.
Sinabi ni Tugna, mahalaga na masunod ang ‘tuwid na daan’ sa bawat proyekto na pinapasok ng gobyerno at masiguro na hindi lugi ang taumbayan dito.
“Mas matitipid ang salapi ng bayan at panalo ang mamamayan kapag ang bidding sa Mactan Airport ay transparent at may kumpe-tisyon sa pagitan ng mga bidders,†ayon kay Tugna.
Giit pa ng kongresista na dapat masiguro ng DOTC na ang rules sa bidding ay nasunod at masiguro din na malinis at transparent ang naging bidding.
Ang MCIA ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership ng Aquino administration.
Kamakailan ay inanunsyo ng DOTC na nanalo ang GMR Infrastructure and Megawide consortium na nagsumite ng P14.4 bilyong bid.
Target ng gobyerno na gawing moderno ang MCIA na siyang ikalawang pinakamalaking airport sa bansa at ang bagong international passenger terminal building na itatayo ay kayang tumanggap ng 8 milyong pasahero kada taon.
- Latest