MANILA, Philippines - Isusulong ni Quezon City councilor Karl Castelo ang pagbabawal sa pagbenta at paggamit ng ‘mothballs’ o naptalina sa naturang lungsod dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng mga mamamayan.
Kumbinsido si Castelo na may taglay na kemikal ang naturang produkto na nagsisilbing banta sa kalusugan at buhay ng mga tao.
Nagpahayag ng pagÂkabahala si Castelo matapos magbabala ang grupong EcoWaste Coalition na ang mothballs ay may naphthalene na nakalalason kung maamoy, makakain o madidikit sa balat ng tao.
Sinasabi rin na ang naphthalene ay maaaring magdulot ng haemolytic crisis o ang mabilis na pagkasira ng maraming red blood cells na posibleng mauwi sa malalang anemia.
Sinabi ng International Agency for Research on Cancer na nahahanay ang naphthalene bilang posibleng carcinogen o maging sanhi ng kanser.
“Maituturing na malaÂking banta ang mothballs sa mga taga-Quezon City dahil karamihan sa ating mamamayan ay gumagamit ng nasabing produkto,†ani Castelo.