Pagkuha ng SSS ID 10 days na lang

MANILA, Philippines - Bibilang na lamang ngayon ng 10 araw at hindi na mahigit isang buwan bago makuha ang SSS ID.

Inanunsyo ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na pinaikli na ang processing time sa pagkuha ng ID ng mga miyembro para maiwasan na ang production backlog at mabigyan na ng ID ang may mahigit 3 milyong miyembro sa ilalim ng Unified Multi-purpose Identification System (UMID).

Ang 10-working day processing time ay magsisimula sa araw ng aplikasyon ng isang member hanggang sa araw na mai-release ang UMID card package sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) para mai-deliver sa mga miyembro nationwide.

Maaari namang ma-claim ng miyembro ang kanilang ID sa SSS branch kung saan sila nag-apply o maaaring mag-check ng UMID card status sa SSS Website (www.sss.gov.ph), email sss_id@sss.gov.ph, o tumawag sa SSS Call Center (920-6446 to 55).

Maaari ring makuha ng isang representative ang ID ng miyembro kung mayroon itong ipapakitang letter of authorization.

Show comments