VAT sa kuryente rerebyuhin

MANILA, Philippines - Rerebisahin na rin ng Kamara ang buwis na ipinapataw sa kuryente na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo nito at naipapasa naman sa mga consumers.

Sinabi ni House Committee on Ways and Means chairman Miro Quim­bo na nakikipag-usap na siya kay House Committee on Energy Committee chairman Reynaldo Umali para maisabay ito sa pag-review ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA law.

Paliwanag ni Quimbo, sa kasalukuyan ay may 12% value added tax (VAT) na ipinapataw sa generation at 12% Vat  sa distribution ng kuryente na parehong ipinapasa sa mga power consumers.

Panahon na umano para pag-aralan kung kailangang magkaroon lamang ng iisang sistema ng pagbubuwis para sa sektor ng kuryente upang agad mapababaan ang power rate.

Sigurado pa umanong agad itong papakinaba­ngan ng publiko suba­lit kailangan lamang isa­alang-alang ay kung ano ang epekto nito sa pinansyal na katayuan ng gobyerno.

Bukod dito mayroon na rin pag-aaral na 85% ang agad na mababawas sa per kilowatt hour ng kuryente kung maaalis ang VAT.

Show comments