MANILA, Philippines – Itinuturo ni Pangulong Benigno Aquino III ang hagupit ng bagyong Yolanda na dahilan kung bakit tumaas ang poverty incidence sa bansa.
Tinutukoy ni Aquino ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 55 porsiyento ang nagsasabing mahirap sila.
Isinagawa ang survey sa buong bansa noong Disyembre 11 hanggang 16 kung saan 1,550 ang kinuha respondents, 650 dito ay mula sa Visayas.
"'Wala ka nang trabaho, wala ka nang tirahan, wala ka nang kuryente... tapos sasabihing 'Gumanda ang buhay ko.' Wala naman sigurong magsasabi nun," pahayag ni Aquino ngayong Martes.
Pero ayaw naman pansinin ito ni Aquino at sinabing pagtutuunan na lamang ng pansin ang mga programa upang magsugpo sa kahirapan, kabilang ang Conditional Cash Transfer program.
“Pero palagay ko dapat nating pagtuunan ng pansin lahat ng mga intervention natin dito ay hindi naman ‘yung panandaliang kalutasan, kundi pang-matagalan,†Aquino said.