MANILA, Philippines – Nakipagkita ang umano’y rice smuggling king mula Davao na si “David Tan†kay Justice Secretary Leila de Lima ngayong Martes ng umaga.
Sinabi ni De Lima na itinanggi ni Davidson Bangayan na siya ang tinutukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling sa Davao.
Kahapon ay sinabi ni De Lima na ang Chinese-Filipino trader na si Bangayan ang David Tan.
Kaugnay na balita: Totoo si 'David Tan' - NBI
Dagdag ng kalihim na tinutugis na ngNBI si Bangayan, taliwas sa sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi totoong tao si David Tan.
Sinabi pa ni De Lima na handa si Bangayan makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Inabisuhan ng kalihim si Bangayan na tumungo ng NBI upang maging pormal ang kanyang pagtanggi na siya si David Tan.
Sinasabing may kasabwat ang mga rice smuggler sa Bureau of Customs at iba pang ahensya ng gobyerno upang maging malinis ang kanilang transaksyon.