MANILA, Philippines - Nakatakdang italaga ng Santo Papa bilang Cardinal si Cotobato Archbishop Orlando Quevado na kauna-unahang magiging Cardinal na mula sa Mindanao.
Si Quevado ay magiging ikawalong Cardinal ng Pilipinas na kabilang sa 16 na idedeklarang bagong Cardinal ni Pope Francis.
Ayon sa Santo Papa, gaganapin sa Pebrero 22, 2014 ang consistory o seremonya ng pagluklok sa mga bagong Cardinal.
Sinabi ni Catholic Bishop Conference of the Philippine (CBCP) President Socrates Villegas, na malaking hakbang ito para maiugnay ang Mindanao sa Vatican.
Umapela ang Santo Papa sa mga Katoliko ng panalangin para sa mga bagong iluluklok na Cardinal upang magampanan ng mga ito ng mabuti ang kanilang mga bagong tungkulin sa simbahan.
Isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ng mga Cardinal o Prince of Church, ay ang lumahok sa pagdaraos ng conclave, kung saan pumipili ng susunod ng Santo Papa ng Simbahang Katoliko.