MANILA, Philippines - Upang mapanatili ang magandang pangangatawan at maalis ang pagiging “Tabatsoy†ng mga kapulisan, muling ibinalik ng Philippine National Police ang pag-ehersisyo sa buong unit nito.
Tinawag na “Hataw Naâ€, ang physical fitness at sports program ng PNP na isasagawa sa Camp Crame ay 30-minute Zumba, 3-km walk, 5-km Fun Run, at 10-km Biking.
Layunin ng aktibidad na ma-improve at mailagay sa ayos ang pangkalahaÂtang physical well being ng mga police personnel sa kabuuan at panatiliin ang disiplina para sa maayos na kalusugan.
“The program will eventually bring about physically and mentally fit personnel who can render quality police service to the community†sabi ni Police Director Lina C. Sarmiento, PNP Director for Police Community Relations.
Giit ng opisyal, kapag maganda ang kalusugan ay mapapanatili ang kapaÂyapaan at masisigurong ligtas ang publiko dahil palaging handa at akma sa paghabol sa mga kriminal at lumalabag sa batas.
Bukod pa rito, madidipensahan pa umano ng pulis ang kanilang sarili at pamilya sa anumang paÂnganib na maaring mangyari sa kanilang buhay.
Matatandaang inilunÂsad na rin ng PNP ang Taba o Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw padisiplina dahil sa dumadaming pulis na malalaki ang tiyan na hindi kaagad nakakaresponde kapag kinakailangan.