Drug den owner, tiklo sa PDEA at PNP

MANILA, Philippines - Tiklo sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang  suspected drug den owner at kanyang dalawang bisita sa bisa ng isang search warrant sa  Vigan City, Ilocos Sur

Kinilala ni  PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si  Zosimo Tamag, alyas Kim, 59  anyos, sinasabing  drug den owner at residente ng Tamag, Ilocos Sur; Rodel Aquino, alyas Waway, 37 ng Raois, Vigan City, Ilocos Sur at Espiridion Braganza, 37 ng  Cabaroan Daya, Vigan City, Ilocos Sur.

Sina Aquino at Braganza ay nasa loob ng bahay ni Tamag nang isagawa ang operasyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3 piraso ng  sachets  ng shabu, isang nakabukas na sachet ng droga, 17 piraso ng  live ammunition para sa caliber .45 pistol, isang piraso ng  live ammunition  para sa di malamang kalibre ng armas at ibat ibang drug paraphernalia.

Si Tamag ay kakasuhan ng paglabag sa  Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng RA 9165 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang hiwalay na kaso naman ng paglabag sa Section 7  ng Drugs Law ang isasampa laban kina  Aquino at Braganza.

 

Show comments