MANILA, Philippines - Tatapusin ngayong buwan ng Enero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng bunkhouses na gagamitin ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ayon kay DPWH Sec. Rogelio Singson, nasa 130 na ang natapos at tiwala itong makukumpleto ang lahat ng units sa katapusan ng kasalukuyang buwan.
Sinabi ni Singson, makakaasa ang mga titira sa mga bunkhouses na mas magiging komportable sila kumpara sa mga tolda o emergency shelters.
Aminado naman si Singson na kahit anong katiyakan daw ang gagawin nila na walang overpricing at hindi substandard ang mga materyales na ginamit, sadyang hahanapan pa rin sila ng butas.
Kaya ayaw na lang daw patulan ni Singson ang mga kritisismo at bukas naman sa inspeksyon ang itinatayong mga bunkhouses.