MANILA, Philippines - Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at kapag ito’y naging ganap na bagyo ay tatawaging Agaton.
Sa isang panayam, sinabi ni Alvin Pura, weather forecaster ng PAGASA, ang naturang LPA ay patuloy na nagbabanta sa silangang bahagi ng Mindanao at Visayas area.
Ngayong Sabado anya ay maaaring mas malawakang bahagi ng Mindanao ang apektado nito at kailangan itong paghandaan ng mga residente doon dahil kahit mahina pa ang dala nitong hangin ay magdudulot naman ito ng mga pag-ulan sa nabanggit na lugar.
Kahapon ng umaga, ang LPA ay namataan ng PAGASA sa layong 1,460 kilometro silangan ng southern Mindanao at maaari anya itong lumapit sa kalupaan ngaÂyong Sabado ng hapon o gabi, depende sa taglay nitong hangin.
“Kalat kalat pa siya ngayon, Biyernes ng gabi ito papasok sa ating bansa at magiging malawakan ang epekto nito Sabado ng hapon o gabi sa may Mindanao at Visayas†pahayag ni Pura.
Sa Luzon, partikular sa Metro Manila ay taÂnging ang Eastern part ng Luzon ang maapekÂtuhan ng LPA partikular sa Isabela, Cagayan at Tuguegarao area na makakaranas ng mga pag-uulan.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila ay patuloy na makakaranas ng malamig na panahon dahil sa epekto ng amihan.
“Dun po sa mga taga Visayas at Mindanao ay maging handa at alerto dahil kahit mahina pa ang dalang hangin ng LPA ay may mga dala itong pag-ulan na makakaapekto sa ating kapaligiran,†dagdag ni Pura.