MANILA, Philippines - Pinasalamatan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng bansang tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda at naging kaagapay ng Pilipinas sa pagkakamit ng mga layunin nito para sa sambayanang Filipino.
Ang pasasalamat ng Pangulong Aquino ay kanyang ginawa sa ‘vin d honour’ na ginanap kahapon ng umaga sa Malacañang.
Dumalo ang lahat ng ambassadors ng ibat ibang bansa sa taunang ‘vin d honour’ na handog ni Pangulong Aquino.
Kaugnay nito, siniÂguro ng international community kay Pangulong Aquino na patuloy ang gagawin nilang pagtulong sa Pilipinas hanggang sa makabaÂngon ang mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ayon kay ArchbiÂshop Guiseppe Pinto, pinuno ng Diplomatic Corps, ang patuloy na pagtulong ng ibang bansa sa Yolanda victims ay magandang halimbawa at pagpapakita ng pagmamahalan at malasakit ng bawat bansa.
Pinuri ng papal nunÂcio ang katatagan ng bawat Filipino na harapin ang nasabing kalamidad at hindi nawalan ng tiwala sa Diyos sa gitna ng unos.
Pinasalamatan din ni Bishop Pinto si PaÂngulong Aquino at ang gobyerno nito dahil sa matagumpay na pagkakamit ng kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang matapos na ang kaguluhan sa Mindanao.
Aniya, ang mataÂgumpay na paglagda ng Pilipinas at MILF sa power-sharing na nakapaloob sa Framework Agreement ng Bangsamoro ay isang malaking tagumpay para sa kapayapaan.