Sekyu magbabantay sa gate ng Camp Crame

MANILA, Philippines - Tuloy na ang pagkuha ng Philippine National Police (PNP) sa serbisyo ng mga security guards para magbantay sa mga gate ng Camp Crame.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Alan Purisima na kasama na sa alokasyon sa budget ng PNP para sa taong ito ang pagkuha ng mga security guard.

Sa kasalukuyan ay ang mga tauhan ng Base Police ang nagmamando sa seguridad sa mga gate papasok sa Camp Crame, ang punong him­pilan ng pambansang pulisya.

Kung mga sekyu ang magbabantay sa gate ng Camp Crame ay mailalabas na ang mga Base Police sa mga lansangan upang mapalakas pa ang police visibility kontra kriminalidad.

Aabot sa P21 M ang inilaang pondo ng PNP para sa pag-hire ng serbisyo ng mga sekyu .

Isinulong ng PNP ang plano na mag-hire ng mga security guard para mas maraming pulis ang maisabak kontra masasamang loob.

 

Show comments