MANILA, Philippines - Hindi pabor si Senate Deputy Minority Leader Vicente Sotto III na gaÂwing legal ang paggamit ng marijuana sa bansa bilang gamot.
Ayon kay Sotto hanggang ngayon ay hindi pa naman napapatunayan na may medicinal o therapeutic purposes ang marijuana na katulad ng pinalalabas ng ilang pabor sa paggamit nito.
Inihalintulad ni Sotto sa paglalaro ng apoy ang idea na gawing legal na rin ang paggamit ng marijuana sa bansa lalo pa’t maari itong pagsisihan sa hinaharap.
Nabuhay ang isyu na gawing legal ang paggamit ng marijuana sa bansa matapos payagan sa Colorado ang pagbebenta ng marijuana sa may edad 21 pataas.
Base sa data ng National Organization for the Reform of Marijuana Laws na isang non-profit organization, 16 states na ang nag- decriminalized ng marijuana samantalang 22 naman ang pumayag sa paggamit nito bilang gamot.
Ang Uruguay ang kauna-unahang bansa na nag-legalize ng pagma-manufacture at paggamit ng marijuana.
Pero ipinunto ni Sotto na ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda sa 1961 United Nation’s Single Convention on Narcotic Drugs na nagba-ban sa produksiyon at suplay ng mga narcotic drugs at gamot na may kahalintulad na epekto maliban na lamang sa medical at research purposes.
Ipinaalala rin ni Sotto na sa Preamble ng Convention kinikilala nito na ang adiksiyon sa narcoÂtic drugs ay maituturing na isang “serious evilâ€.