^

Bansa

MNLF leader sa Zambo siege inilibing na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilibing na umano sa isang lugar sa Sulu matapos mapaslang si Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Ustadz Habier Malik, isa sa limang lider ng grupo na namuno sa 300 MNLF fighters na nasangkot sa madugong paglusob sa Zamboanga City noong Setyembre 2013.

Ito ang inihayag kahapon ni Col. Jose Johriel Cenabre, 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre base sa intelligence report ng militar .

“All the information we have points to the same conclusion that Ustadz Malik is dead. He died of complication after sustaining wounds during the Zamboanga conflict,” pahayag ni Cenabre.

Si Malik ay sinasabing sugatang nakatakas ilang araw bago ideklara ng pamahalaan na tapos na ang krisis sa Zamboanga matapos ang 20 araw na bakbakan. 

Gayunman, nilinaw ni Cenabre na patuloy pa nilang bineberipika ang nasabing ulat hinggil sa pagkamatay at paglilibing umano kay Malik sa isang lugar sa kagubatan ng Sulu noong Oktubre sa panahon ng Al Hadz, ang pilgrimage ng mga Muslim sa Mecca.

Base pa sa impormasyon, huling namataan si Malik sa bisinidad ng Kalingalang Kaluwang sa Sulu.

Nang matanong naman sa posibleng epekto ng pagkamatay ni Malik sa MNLF partikular na sa paksyon ni Nur Misuari, sinabi ng opisyal na mababawasan ang malaking problema sa seguridad sa lalawigan.

Ang 20 araw na krisis sa Zamboanga City na nag-umpisa noong Setyembre 9, 2013 matapos salakayin ng mahigit 300 MNLF fighters ang limang barangay sa lungsod kung saan daang sibilyan ang hinostage ay ikinasawi ng mahigit 200 MNLF fighters, 20 sundalo, anim na pulis at 15 sibilyan habang marami pa ang nasugatan.

vuukle comment

AL HADZ

CENABRE

COMMANDER USTADZ HABIER MALIK

JOSE JOHRIEL CENABRE

KALINGALANG KALUWANG

MARINE BRIGADE

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

SETYEMBRE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with