House arrest ni CGMA pinaboran ni Miriam
MANILA, Philippines - Pabor si Senator Miriam Defensor-Santiago sa paglalagay kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Cong-resswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa house arrest.
Ayon kay Santiago, hindi naman maituturing na “destabilizer†si Arroyo at tiyak na hindi rin ito tatakas palabas ng bansa.
Sinabi ni Santiago na malaki na ang ipinayat ng dating Pangulo na nakakulong sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kasong plunder simula noong Oktubre 2012.
Idinagdag ni Santiago na marapat lamang na mailagay sa house arrest si Arroyo bilang dating presidente ng bansa at kinatawan ngayon ng Pampanga.
Nangangamba si Santiago na posibleng mamatay sa detensiyon si Arroyo dahil sa patuloy nitong paghihirap.
Samantala, pabor naman si Senator Jose “Jinggoy†Estrada na makapag-piyansa si Arroyo.
Inihalimbawa pa ni Estrada ang kanyang kasong plunder noong panahon ni Arroyo kung saan pinayagan siya ng korte na makapaglagak ng piyansa kaya siya noon nakalaya.
- Latest