MANILA, Philippines - Isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang pagbibigay ng pautang bilang tulong sa gastusin ng pamilÂyang maiiwan ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng unang tatlong buwan ng kanyang pagkawala sa bansa.
Para makautang ng P50,000 sa Overseas Worker and Welfare Administrator, ang isang OFW ay dapat na mayroong balidong kontrata at katibayan mula sa POEA na nagpapatunay na kuwalipikado siyang mangutang.
Sa Senate Resolution No. 507, na may titulong “An Act Establishing A Credit Assistance Program for Overseas Workers,†na isinampa ni Villar, maaari ring maging co-borrower ang sinumang miyembro ng pamilya ng kuwalipikadong OFW. Puwede rin itong lumagda sa lahat ng dokumento na kailangan sa pautang na tulong.
Ang pautang ay makaÂtutulong din sa gastusin ng isang OFW sa pag-aapply ng trabaho sa ibang bansa gaya ng pambayad sa placement fee, documentation fee at plane ticket.
“It is but fitting to extend our OFWs all the assistance that the government can give, including an exclusive credit assistance program as proposed under this measure,†ani Villar na nagsabing nanatiling “modern day heroes†ng bansa ang ating mga OFW.
Ang OWWA ang magbibigay ng pautang sa sandaÂling maisumite ng isang aplikante ang mga sumusunod na dokumento -- employment contract, plane ticket at bank account.
Ang utang ay babaÂyaÂran sa paraan na 12 equal monthly installments o mas higit pa pero hindi ito dapat lumampas sa 24 na buwan na may interes na di hihigit sa 6% bawat taon.