Life sa looter ‘pag may kalamidad
MANILA, Philippines - Isinusulong sa Kamara ang habambuhay na pagkakabilanggo sa mga magnanakaw sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Sa House Bill 3367 na inihain ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, sinabi nito na hindi sapat ang parusa sa ilalim ng kasalukuyang batas laban sa ilang mapagsamantalang indibidwal na nagawa pang magnakaw kahit may kalamidad tulad ng bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, sakuna at civil disturbance.
Inihalimbawa nito ang naganap sa Visayas dulot ng bagyong Yolanda at 7.2 intensity earthquake na tumama naman sa Bohol at Cebu.
Bukod dito ay nakaÂdagdag din sa sakit na diÂnanas ng biktima sa isang kalamidad ang manakawan pa ito.
Sa panukalang “Anti-Looting Act of 2013,†papatawan ng parusang reclusion temporal kapag ang ninakaw ay pagkain, gamot at iba pang kagamitan para sa rehabilitasyon, reconstruction at relief o tulong.
Habang reclusion perpetua o habambuhay naman ang parusa sa organized crime group na gagamit ng armas o anumang deadly weapons sa paggawa ng krimen.
- Latest