MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang environmental group sa pamahalaan na pag-aralan ang regulasyon sa pagpapakalat ng napthalene mothballs matapos na ipag-utos ng bansang Europa na tanggalin ito sa kanilang merkado.
“The withdrawal in Bulgaria of mothballs imported from the Philippines should be a wakeup call for makers and users of naphthalene-based pest control products,†sabi ni Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition’s Project Protect.
Sabi ni Dizon, sa kabila umano na pinaba-ban ito sa European countries dahil sa banta sa kalusugan, ang naturang murang pamatay ng mga insekto ay patuloy na nagkalat at ibiniÂbenta sa local market.
“Our market surveillance shows that naphthalene balls are sold in formal stores in packs that say ‘naphthalene may cause haemolytic crisis,’ or the rapid destruction of large numbers of red blood cells causing acute anemia,†dagdag nito.
Gayunman, ang mga ibinibenta sa mga kalsada ng mga street vendors ay simpleng nakapakete lamang sa plastic bags nang walang lebel ng produkto o babala man lamang.
Ang European Union, kabilang ang Bulgaria ay ipinagbawal ang naphthalene mothballs bilang produktong pamuksa ng ipis, langaw, etc simula noong 2008, na kung gaÂling sa ating bansa.
“The product poses a chemical risk because it contains pure naphthalene, which is toxic by inhalation, ingestion and dermal absorption,†ayon pa sa ulat ng European countries.