MANILA, Philippines - Naghain si Senator Cynthia Villar ng panukalang batas upang ilagay sa label ng anumang produktong pagkain ang mga nutrisyong makukuha rito para palawigin ang health consciousness ng publiko. Partikular niyang tinukoy ang malawakang kakulangan ng nuÂtrisyon sa mga bata at mga buntis.
Nakasaad sa Declaration of Policy sa ilalim ng Senate Resolution No. 146, o ang Philippine Nutrition Labelling Act of 2011 ni Villar na polisiya ng estado na tiyaking alam ng publiko ang tamang impormasyon tungkol sa nutrisyon ng isang pagkain o produktong pagkain para magkaroon ng paghahambing at nang makapamili.
Sinabi ni Villar na sa ngayon, wala tayong batas na nag-uutos sa manufacturers, packagers, o distributors na ilagay ang nutritional value ng food products sa kanilang label.
Aniya, kailangang nakalagay sa label ang pangaÂlan ng pagkain, ang pangalan at lugar ng manuÂfacturer, packer o distributor at sa hiwalay na label ang nutritional content ng pagkain, bilang ng servings nito o iba pang units ng measure sa bawat lalagyan, kabuuang bilang ng calories at iba pang importanteng impormasyon.
Dahil sa pagkalat ng iba-ibang uri ng pagkain at produkto sa merkado, binigyan-diin niya ang kahalagaÂhang malaman ng publiko ang mga impormasyong ito.
Ipinahayag ni Villar na isinampa niya ang panukalang batas alinsunod sa findings ng Philippine DeÂvelopment Plan (2011-2016) na mataas ang porsiÂyento ng stunting at wasting sa mga bata na may edad na mababa sa 5 taong gulang sa bansa.
Base sa parehong talaan, 26.3% ng mga buntis ay “nutritionally at risk.â€