MANILA, Philippines - Makaraan ang pag-ulan ng makukulay na firecrackers sa kalangitan nitong pagsalubong ng bagong taon, makakakita naman ang taumbayan ng pag-ulan ng bulalakaw mula January 1 hanggang January 7 ngayong taon.
Ayon sa PAGASA, ang naturang insidente ay taunang nagaganap sa kalangitan at ito ay tinatawag na Quadrantid meteor shower.
Mas kapana-panabik ang mas nakararaming pag-ulan ng bulalakaw sa pagitan ng Enero 3 hanggang Enero 4 kung saan may 40 bulalakaw ang makikita sa kalangitan kada oras.
Ang bulalakaw ay mula sa tinatawag na Bootes constellation.
Mas maganda raw panoorin ang pagsabog ng mga bulalakaw kung walang magaganap na pag-ulan at walang buwan.