^

Bansa

Lamig sa Baguio bumagsak sa 11º C

Angie dela Cruz, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa 11 degrees Celsius ang level ng temperature sa Baguio City sa pagpasok ng bagong taon.

Ayon sa PAGASA, alas-5 ng umaga kahapon umabot sa 11.8 degrees Celsius ang naramdamang lamig. Bago matapos ang 2013 ay umabot sa 12 degrees celsius ang temperatura sa City of Pines.

Sinasabi ng PAGASA na titindi pa ang lamig sa bansa sa ngayon laluna sa Baguio City dahil umiikot sa hilagang Luzon ang malamig na simoy ng hangin mula China at kalapit nitong bansa.

Noong Enero 2013 ay umabot pa sa 9.5 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperature doon.

Bunsod ng super lamig na klima sa Baguio City ay higit pang dumagsa ang mga turista at local tourist upang maramdaman ang malamig na panahon sa lunsod.

Sinasabing may mahigit 1 milyon ang bilang ng mga dumayo sa Baguio city para doon salubungin ang bagong taon.

AYON

BAGUIO CITY

BUMAGSAK

BUNSOD

CITY

CITY OF PINES

LUZON

NOONG ENERO

SINASABI

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with