Usok na galing sa paputok mapanganib – Ecowaste
MANILA, Philippines - Binalaan ng grupong Ecowaste Coalition ang publiko sa panganib sa kalusugan ng usok na likha ng mga paputok at anumang pyrotechnic materials na gagamitin sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Nagsagawa ng programa kahapon ang grupo na nakasuot ng gas mask kasama ang Buklod Tao at asosasyon ng mga pulmonologist, sa Welcome Rotonda sa Quezon City at ipinakita nila ang lason na nagmumula sa inilalabas na gas dulot ng mga paputok.
Ayon sa Ecowaste, ang usok na malalanghap buhat sa mga paputok ay malaking panganib sa kalusugan ng tao o sa respiratory problem na maaaring magkaroon ng bronchial asthma, allergic o chronic bronchitis, laryngitis, rhinitis at sinusitis.
Partikular umanong tatamaan ng ganitong uri ng sakit ang mga sanggol.
Sinabi Dr. Maricar Limpin, pulmonologist, ang lebel ng pulusyon sa hangin ay tumataas ng higit pa sa lebel nito kapag natapos na ang selebrasyon ng Bagong Taon dahil na rin sa kalat kalat na pagpapaputok na lumilikha ng usok matinding usok saan mang sulok ng bansa.
Nasisira umano ang malaking porsiyento ng hanging na dapat ay malalanghap ng mga tao at sa halip ay mga nakakalasong usok na nagdudulot ng sakit sa sinumang makakasinghot nito.
Pinayuhan ng Ecowaste ang publiko na ibili na lamang ng makabuluhang bagay at gamit ang perang gagamitin o kaya’y itulong na lang sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
- Latest