MANILA, Philippines - Binatikos ng bidder para sa single-ticketing system ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang pabago-bagong desisyon ng mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC).
Ayon kay Atty. Conrad Tolentino ng E-Trans Solutions Joint Venture, ang pabago-bagong pagpapatupad ng mga rules ng bidding committee ng DOTC para sa single-ticketing system sa LRT at MRT ay salungat sa daang matuwid na policy ni Pangulong Benigno Aquino III.
“Throughout the later stages of the bidding, DOTC’s bidding committee inconsistently implemented its own rules. They have been flip-flopping,†paliwanag pa ni Atty. Tolentino.
Aniya, ang ‘flip-flopping rules†ng bidding committee ang naging dahilan upang ang consortium ng E-Trans Solutions Joint Venture at Megawide-Suyen-Eurolink ay matanggal sa bidding process.
Idinagdag pa ni Tolentino, malinaw na nais lamang na alisin sa bidding process ang mga small players para sa single-ticketing system ng LRT at MRT kaya pabago-bago ang ipinalabas nitong mga bid bulletin.