^

Bansa

DOTC officials binatikos ng bidder

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ng bidder para sa single-ticketing system ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang  pabago-bagong desisyon ng mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Ayon kay Atty. Conrad Tolentino ng E-Trans Solutions Joint Venture, ang pabago-bagong pagpapatupad ng mga rules ng bidding committee ng DOTC para sa single-ticketing system sa LRT at MRT ay salungat sa daang matuwid na policy ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Throughout the later stages of the bidding, DOTC’s bidding committee inconsistently implemented its own rules. They have been flip-flopping,” paliwanag pa ni Atty. Tolentino.

Aniya, ang ‘flip-flopping rules” ng bidding committee ang naging dahilan upang ang consortium ng E-Trans Solutions Joint Venture at Megawide-Suyen-Eurolink ay matanggal sa bidding process.

Idinagdag pa ni Tolentino, malinaw na nais lamang na alisin sa bidding process ang mga small players para sa single-ticketing system ng LRT at MRT kaya pabago-bago ang ipinalabas nitong mga bid bulletin.

 

vuukle comment

ANIYA

AYON

BIDDING

CONRAD TOLENTINO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

E-TRANS SOLUTIONS JOINT VENTURE

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

PANGULONG BENIGNO AQUINO

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with