MANILA, Philippines - Inilarawan ni Pangulong Benigno Aquino III sa basketball ang taong 2013 kahit pa umabot sa “last two minutes†ay mayroon pa ring mga balakid at hamon bago matapos ang laban.
Ito ang mensahe ni Pangulong Aquino sa pagtatapos ng 2013 na isa sa matinding taon na dumanas ng grabeng kalamidad ang bansa.
“Papasok na naman po tayo sa Bagong Taon ng pagtahak sa matuwid na daan... At gaya rin po sa basketball, hanggang sa huling yugto ay may hinaharap tayong barikada. Batid nating hindi basta-basta titiklop ang mga latak ng lumang sistema,†wika pa ng Pangulo.
Ayon sa Pangulong Aquino, anumang pagsuÂbok ang hinarap ng bansa ay determinado ang taumbayan na bumangon at magkaisa para sa bayanihan.
Pinasaringan din ng Pangulo ang kanyang mga kritiko sa pulitika kung saan ay sinabi nitong desperado ang mga ito at tinatangkang idiskaril ang kanyang agenda.
Aniya, bagamat malapit nang matapos ang kanyang termino ay magpapatuloy pa rin siya sa pagsisikap para sa lalong pag-asenso ng bansa.
Ipinagmamalaki rin ng Pangulong Aquino ang mga tagumpay nito sa kanyang administrasyon kabilang na ang kampanÂya nito laban sa kurapÂsyon.