BAGUIO CITY , Philippines - Dagsa ang mga balikbayan at local tourists sa Pines City bago sumapit ang Bagong Taon.
Ayon kay City Councilor Leandro Yangot, sinamantala ng mga turista ang malamig na klima ng lungsod kaya dito nila pinili na salubungin ang Bagong Taon.
Umabot sa 12 degrees ang temperature dito kahapon ng umaga na lalong naghikayat sa mga turista na gumala sa mga magagandang lugar ng Pines City.
Kabilang sa mga pangunahing puntahan ng mga turista, maging foreign o local, ang The Mansion kung saan tumutuloy ngayon si Pangulong Aquino.
Marami ang nagpapaÂkuha ng larawan sa gate ng The Mansion upang kanilang maging souvenir gayundin ang pagpapakuha ng larawan na naka-costume ng Igorot sa tapat ng Botanical garden.
Aniya, malaking tulong sa ekonomiya ng Baguio ang pagdagsa ng turista at halos mapuno na ang mga hotel at mga transient houses na pinapaarkila bago pa man sumapit ang Bagong Taon.
Samantala, makikiisa rin ang Philippine Army sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika 117th anibersaryo ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal ngayon.
Ayon kay Capt. Anthony Bacus, tagapagsalita ng Army, sisimulan ng Army ang flag raising ceremonies sa Rizal Monument sa Burnham Park, Baguio City at ang Rizal National Monument sa Manila, ganap na alas-7 ng umaga.
Pangungunahan ni Pangulong Aquino ang commemoration sa Baguio City kung saan kasama nito si PA chief Lt. Gen. Noel A. Coballes.
Habang si Vice President Jejomar C. Binay naman ang mangunguna sa pagpupugay sa monumento ni Rizal sa Manila, kasama si Army vice commander Major Gen. Romulo M. Cabantac, bilang military co-hosts.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay ang, “Rizal: Inspirasyon Noon, Ngayon, at Bukasâ€. Ayon kay Bacus, ang legasia ni Dr. Jose P. Rizal ay nanatiling buhay sa mga sundalong Filipino
“Today we draw inspiration from the non-violent struggles of Rizal. We fight for peace the way Rizal advocated for reforms – through peaceful means,†dagdag pa nito.
Ang pagkakaroon ng maÂpayapang resolusyon sa problema ay nakapaloob sa Armed Forces of the Philippines’ Internal Peace and Security Plan (IPSP) Bayanihan, kung saan kinikilala ng military ang kahaÂlagahan ng estado ang pagkapanalo sa kapayapaan kaysa talunin ang mga kalaban.
Si Rizal ang proponent ng kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan ng reporma kaysa rebulusyon.
Naniniwala ang bayani na ang tamang paraan ng pagkakaroon ng kapayapaan ay ang pagiging Malaya ng bansa at mga Filipino sa pananakop ng mga dayuhan.