Pinakamapanganib na bgy. sa MM tinukoy
MANILA, Philippines - Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga baÂrangay sa Metro Manila na sinaÂsabing pinakamapaÂnganib pagdaÂting sa dami ng naitalang fireworks (FW) injuries.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, ang listahan ay batay na rin sa 2010-2012 FW injury reports ng Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) campaign ng DOH.
Sa Quezon City, kasama sa most dangerous baÂrangays ay ang: 1) Batasan Hills, 2) Commonwealth, 3) Holy Spirit, 4) Payatas, 5) Sto. Domingo at 6) Krus na Ligas.
Sa Maynila naman, ang most dangerous districts/ barangays ay ang: 1) District 2, Brgy. 147-267 East Tondo, 2) District 1, Brgy. 1-146 West Tondo, 3) District 3, Brgy. 268-394 4) Binondo, 5) Quiapo, 6) San Nicolas at 7) Sta. Cruz.
Sa Valenzuela, ang most dangerous baÂrangays ay kinabibilangan ng: 1) Hen. T. de Leon, 2) Marulas, 3) Karuhatan, 4) Canumay, 5) Malinta, at 6) Parada, habang sa Las Piñas naman ay 1) Pulang Lupa Uno, 2) BF Intl Village, 3) Talon Dos, 4) Pulang Lupa Dos, at 5) Fajardo.
Sa Mandaluyong, 1) Addition Hills 2) Hulo 3) Barangka drive 4) Poblacion 5) San Jose at 6) Plainview.
Sa Pasig, 1) Pinagbuhatan, 2) Bagong ilog, 3) Pineda, 4) Bambang, 5) San Miguel, 5) Kapasigan, 7) San Joaquin, at 7) Kalawaan.
Kabilang naman sa most dangerous barangays sa Marikina ang: 1) Malanday, 2) Concepcion Uno, 3) Parang at 4) Sto. Niño.
Sinabi naman ni Tayag na ang mga ligtas na lugar o yaong walang barangay na kabilang sa most dangeÂrous list ang mga lungsod ng Kalookan, Makati, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pateros, San Juan, Taguig at Malabon.
Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na huwag ng gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang makaiwas sa aksidente.
- Latest