^

Bansa

Arenas: Seguridad paigtingin vs krimen

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas sa kapulisan at mga barangay na doblehin ang ipinatutupad na seguridad kasunod na rin ng inaasahang pagtaas ng krimen sa panahon ng holiday season.

Nagpahayag si Arenas ng panawagang ito bunsod ng sunud-sunod na krimen at karahasan na naganap nitong buwan, una na nakawan sa mall ng ‘Martilyo Gang;’ ang pagbaril sa asawa ng high profile defense lawyer na si Raymund Fortun; at ang pamamaril sa NAIA-3 na ikinasawi ng apat katao, kabilang na si Mayor Ukol Talumpa ng Labangan, Zamboanga del Sur.

Ayon sa dating mambabatas, sa pagdagsa ng publiko sa matataong lugar gaya ng malls at iba pang pasyalan ay sumasabay din ang mga taong may masamang intensiyon sa kapwa.

Partikular na pinatutukan ni Arenas ang mga holdaper na nakasakay sa motorsiklo o riding in tandem na napaulat na ilang beses na ring sumalakay sa kamaynilaan at mga karatig lalawigan kamakailan.

Binanggit ni Arenas ang panghoholdap at pamama­ril ng apat na lalaking sakay ng motorsiklo sa isang retiradong pulis sa lungsod ng Maynila. 

“Panahon na para repasuhin ang mga patakaran sa mga motorsiklo sa kalye dahil sa dami ng karahasan nagaganap dulot ng mga riding in tandem elements,” ani Arenas.

Para kay Arenas, susi sa paglaban sa mga krimeng ganito ay ang police visibility sa matataong lugar.

 

vuukle comment

ARENAS

AYON

BINANGGIT

DISTRICT REP

MARTILYO GANG

MAYOR UKOL TALUMPA

RACHEL ARENAS

RAYMUND FORTUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with