MANILA, Philippines - Ibiniyahe na patungong Camp Bagong Diwa jail sa Bicutan, Taguig City ang 266 detainees ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction na sangkot sa madugong 20 araw na siege noong Setyembre sa Zamboanga City.
Ayon sa ilang security officials sa Western MinÂdanao, ang MNLF detainees ay isinakay kahapon ng umaga sa barkong Landing Ship Transport (LST) 550 ng Philippine Navy na inieskortan ng Patrol Ship 38, mahigit 500 pulis, 164 sundalo, 51 Navy at 105 BJMP personnel.
Ang mga detainees ay sinundo mula sa San Ramon Penal Colony sa Brgy. San Ramon ng lungsod noong Huwebes ng gabi. Kasama rin sa mga ibiniyaheng tauhan ni Misuari ay 26 na nakadetine sa Zamboanga Reformatory Center (ZCRC).
“The travel is so critical, for security reasons we will not give additional details,†pahayag ni Task Force Zamboanga Commander Col. Adrelino Colona upping hindi masabotahe ang pagbiyahe tulad ng rescue sa dagat.
Inaasahan namang tatlo hanggang 4 araw ay makakarating na sa Metro Manila ang barko.
Ang transfer ng detention ng MNLF ay base sa resolusyon na inaprubahan ng Supreme Court (SC) at ng lokal na korte para ilipat ng kulungan ang mga ito sa Camp Bagong Diwa.
Magugunita na sinalakay ng nasa 300 MNLF ang ilang barangay sa lungsod ng Zamboanga kung saan daang sibilyan ang hinostage noong Setyembre 9. Ang krisis ay tumagal hanggang 20 araw na kumitil at ikinasugat ng nasa 500 katao.