^

Bansa

NCRPO may 6 payo para sa payapang Bagong Taon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagabas kahapon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng anim na payo sa publiko para sa mapayapa at ligtas na selebrasyon ng pagpasok ng Bagong Taon.

Sa kanilang Facebook account na NCRPOReact, pinamagatan nito ang mga payo na “Iwas-Paputok tips” kung saan nangunguna ang pagpapaalala sa publiko na huwag bumili ng mga paputok na hindi nakalagay kung anong kumpanya ang gumawa nito. Delikado umano ang mga produkto dahil hindi subok ang kalidad.

Ikalawa, payo rin ng pulisya na iulat ang mga nagbebenta ng paputok na walang tatak sa pulis o mag-text sa PNP Text 2920. Ikatlo, huwag hayaan na magpaputok o maglaro ng watusi ang mga bata lalo na kung walang kasamang matanda. Huwag gamiting panakot o biro ang mga paputok, baka makaaksidente. Huwag magsunog ng lumang gulong sa gitna ng kalye.

At ikaanim, kung maari, huwag na lang gumamit ng paputok, PVC boga, watusi o baril sa pagsalubong ng Bagong Taon. Manood na lamang sa nakatakdang mga pampublikong pamputukan.

vuukle comment

BAGONG TAON

DELIKADO

FACEBOOK

HUWAG

IKALAWA

IKATLO

IWAS-PAPUTOK

MANOOD

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with